Talumpati at mga Halimbawa Nito
Madalas nating marinig ang talumpati kapag panahon ng eleksyon o kung dumadalo tayo ng mga seremonya gaya ng graduation. Kadalasan, ang simpleng pagtitipon o selebrasyon ay kinapapalooban din ng paunang talumpati.
Ang pananalumpati ay isa rin sa mga araling itinuturo sa sekundarya at sa kolehiyo. Marahil pinagawa ka na ng talumpati ng iyong guro at pinagsaysay sa harapan ng inyong klase.
Ano ba ang talumpati?
Ang talumpati ay isang masining na pagpapahayag ng saloobin. Maaari rin itong pananalita ukol sa isang pagtitipon. Batay sa layunin ng iyong talumpati, maaari kang makapagbigay ng impormasyon, manghikayat, mag-aklas, magpasalamat o manghingi ng suporta o suhestiyon. Isinasaalang-alang din ng tagapagbigay ng mensahe ang tagatanggap. Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa nais mong iparating sa kanila.
Narito ang isang halimbawa ng talumpati mula sa “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel L. Quezon. Inilahad niya dito ang kaniyang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng ating wika.
Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako’y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba’t-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.
Narito ang iba pang mga halimbawa ng talumpati:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- Andres Bonifacio
Kabataan:Isang Pagtatanong- C.C. Marquez Jr.
I am a Filipino- Carlos P. Romulo
Pagkakaisa ang Tunay na Diwa ng Edsa- Pang. Joseph Ejercito Estrada sa ika-13 anibersaryo ng EDSA Revolution
Ang Anyo ng Isang Tunay na Malayang Bansa- Pang. Joseph ejercito Estrda sa 102 Anibersaryo ng Kalayaan
Sa Kabataan- Onofre Pagsanghan
Pananalig- Ramon Magsaysay
Pasinayang Talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino, Hunyo 30, 2010
Fidel V. Ramos, Sixth State of the Nation Address, July 28, 1997
Corazon C. Aquino, Fifth State of the Nation Address, July 22, 1991
thanks,,,buti na lang may concerned citizen
HMMM……..
aiiii….. ganun lang un.. hhmmmpppp
ang ganda ahh… kaya nga buti nalang may mga concern citizen…………..
thank you so
Pingback: macau